Luis: Wala pong masama sa pagiging bakla!

luis manzano

“Bata pa lang ako, ‘yan na talaga. Siguro hindi lang nila makuha ang katawan ko!” ang natatawang sagot ni Luis Manzano nang hingan ng reaksiyon sa walang kamatayang bading isyu laban sa kanya.

“Hindi, kunwari yung bakla, walang masama sa pagiging bakla. It’s not a derogatory term, kung bakla ka, e, di bakla ka, by all means. “Pero alam mo pag ginagamit siya bilang masamang paksa. Pag tinawag kang ‘bakla,’ go ahead, there’s nothing wrong with being a gay.

Pero pag yung tira sa akin, tira, e, ginagamit mo siya with negative connotation, so para sa akin, mali yun,” ang chika pa ni Luis patungkol sa mga bashers na patuloy na tumatawag sa kanyang bading.

Read more...