Bossing, Pauleen ginulat ang mga Cebuano sa kampanya nina Tito Sen, Grace at Chiz

vic sotto

Dinumog ang kampanya nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero sa Cebu kamakailan. Bukod kasi sa dalawang kandidato ngayong May elections, plus factor din ang pag-attend ni Bossing Vic Sotto na isa sa mga nagbigay saya sa mga Cebuano na nakipag-selfie pa sa audience.

Nandoon si Bossing para suportahan din ang kapatid na si Sen. Tito Sotto na kumakandidato uling senador. And of course, hindi rin siyempre mawawala ang misis ni Vic na si Pauleen Luna.

Samantala, ito rin ang unang beses na nagpahayag si Bossing ng pagsuporta sa tandem nina Grace at Chiz na nangako naman sa mga taga-Cebu na sasama sa kanya sa kampanya ang asawang si Heart “one of these days.”

Ang iba pang celebrities na nakisaya sa mga Cebuano ay sina Bela Padilla, na kasama naman ng ina ni Sen. Grace na si Susan Roces sa teleseryeng Ang Probinsyano, Ruby Rodriguez, at ang anak ni Grace na si Brian Llamanzares.

Read more...