Kris ‘laba, cook, yaya’ ang drama sa 2 anak

kris aquino

Aminado si Kris Aquino na super nami-miss na niya ang magtrabaho, lalo na ang pagte-taping para sa kanyang morning show na Kris TV sa ABS-CBN.

Ngunit sa kabila nito, naniniwala ang TV host-actress, mas mahalaga pa rin ang pagpapahalaga sa pamilya, lalo na ang makasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Dalawang linggo na ang mag-iina sa Hawaii kung saan sila nagbabakasyon ngayon.

Nag-post si Kris ng mensahe sa kanyang Instagram account para sa kanyang loyal followers, anito, “We have 1 week left before heading home, my sisters told me that these are priceless moments given to me as a mom, and when Bimb’s a teenager w/ his own life & activities, I’ll look back at this time w/ so much gratitude for all the memories we’re making… #HappyPlace #Love.”

Bago ito, nagbigay din ng patikim ang Queen of All Media ng mga bonding moments nilang mag-iina sa US. Sabi nito, “We moved away from the city for our last few nights, and this place is a peaceful paradise.

It was pizza for a late lunch… We went to the supermarket, I cooked adobo for dinner, and put the beef in the crockpot for tomorrow’s lunch (nilagang baka). “Loaded the dishwasher (thank you Lord because I couldn’t have handled the pots & pans) and did the laundry of the 2 boys (no Ariel in the US, bought Tide pods & Downy lavender scented dryer sheets- all P&G, kapamilya naman). #mommymoments #Love!”

Hintayin na lang natin ang pagbabalik ni Kris sa bansa para sa kanyang susunod na announcement tungkol sa next plans niya sa kanyang career. Pumirma pa kaya siya uli ng bagong kontrata sa ABS-CBN o may bago na siyang pagkakaabalahan?

Read more...