Superliga spikers babawian ang Est Cola

MAKAPAGHIGANTI ang pangunahing misyon ng mga local players sa pagsalubong nito sa Thai heavyweight Est Cola sa pagsikad ng final round ng 2016 Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference women’s volleyball simula sa Huwebes sa San Juan Arena.

Matapos mabigo sa paglahok sa Thai-Denmark Super League, asam makabawi ng PSL stars mula sa F2 Logistics, Petron at RC Cola-Army upang masungkit ang korona sa inter-club na torneo na suportado ng Senoh, Mikasa, Mueller, Asics at Grand Sport.

Sina Cha Cruz, Aby Maraño at F2 Logistics ang unang sasagupa sa tatag ng mga Thais bago sundan ng Petron at three-time champion RC Cola-Army sa paghahalinhinan sa pinakahuling yugto sa single-round battle na ginaya sa format ng FIVB Grand Prix.

Aminado si Petron coach George Pascua na dama pa nila ang hapdi ng kanilang masaklap na kampanya kontra sa Bangkok Glass, Idea Khonkaen at 3BB Nokhonnont sa Thai-Denmark Super League at tanging ang panalo lamang sa harap ng kanilang kababayan ang makakapag-alis sa sakit nitong nararamdaman.

“It’s going to be a very exciting battle,” sabi ni Pascua, ang two-time champion coach na giniyahan ang PSL All-Stars sa Thai tournament. “We learned a lot playing against the Thais and I expect the team to use that experience to its advantage when we face Est Cola in the PSL. It will surely be an emotional game because we all want to redeem ourselves against them.”

Gayunman, inaasahang hindi madali ang kanilang pakikipagharap sa Est Cola.

Ipaparada ng Est Cola ang bumubuo sa kasalukuyang Thailand national team B sa pamumuno ni Chatchu-on Moksri na 16-anyos na prodigy at beterano na sa international experience matapos makasama sa AVC Asia Cup sa China at sa FIVB World Championship sa Italy nakaraang taon.

Parte din si Moksri sa Thai squad na pumangalawa sa China sa AVC Asian U23 Women’s Championship sa Manila noong nakaraang taon. Ang Pilipinas na lumahok din sa torneo ay tumapos na ikapito.

Maliban kay Moksri, makakasama sa Est Cola sina FIVB World Championship veterans Jarasporn Bundasak at Tinchaya Boonlert pati na sina Anisa Yotpinit, Wipawee Srithong, Patchaporn Sittisad, na nakasali sa FIVB U23 Women’s Championship sa Turkey.

“Aside from treating fans to an elite level of competition, the participation of Est Cola will also give our local coaches and players a taste of competing against a topnotch team. This doesn’t only increase the level of competition, but also helps Philippine volleyball in general,” sabi lamang ni PSL president Ramon “Tats” Suzara, na ranking executive sa Asian Volleyball Confederation (AVC) at International Volleyball Federation (FIVB).

“We need more of this kind of competition. We have to expose our players to top-flight tourneys if we seriously want to regain our lofty status in the region,” sabi pa nito.

Read more...