Si Bea na kaya ang pakakasalan ni Lloydie?

BEA ALONZO AT JOHN LLOYD CRUZ  INQUIRER

BEA ALONZO AT JOHN LLOYD CRUZ   INQUIRER

MALINAW ang deklarasyon ni John Lloyd Cruz, loveless siya ngayon, very single. Hindi na natin kailangan pang magtanong, bigay na bigay na ang kanyang sagot, tapos na ang relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Nasa patagilid na sagot ni JLC ang kumpirmasyon na wala na sila ni Angelica, ‘yun nga siguro ang dahilan kung bakit nu’ng nakaraang Mahal Na Araw ay isang destinasyon lang ang pinagbakasyunan nila, pero magkaiba ang grupo nila.

Maraming nanghihinayang sa relasyon nila ni Angelica, maraming umasa na sa altar na ‘yun mauuwi, pero hindi pa rin pala. Ipinakipaglaban nila ang relasyong tumagal din naman, nakikipagsagutan ang aktres sa mga tumutuligsa kay John Lloyd, pero sa hiwalayan din pala ‘yun mauuwi.

Hindi pa nga siguro umaagaw sa isip ni John Lloyd ang pagpapakasal. Kahit nasa edad na siya ngayon para magbuo ng sariling pamilya ay hindi pa rin ‘yun ang kanyang prayoridad.

Kailan kaya makikipagrelasyon ang magaling na aktor na sa altar na ang tuloy? Masuwerte ang babaeng susunod niyang makakarelasyon kung ito na nga ang ihaharap niya sa dambana.

Si Bea Alonzo na nga kaya ang ihaharap ni JLC sa altar? Ito na nga kaya ang magiging ina ng mga pinapangarap niyang maging anak?

Abangan!

Read more...