Luis may hiniling sa pastor na kanyang iniligtas sa aksidente

LUIS MANZANO AT IAN DE LEON

LUIS MANZANO AT IAN DE LEON

MAY isang hiniling si Luis Manzano sa naaksidenteng pastor na tinulungan nito kamakailan.
Matapos ngang umani ng papuri ang anak nina Nora Aunor at Boyet de Leon na si Ian de Leon dahil sa pagtulong nito sa batang nasagasaan ng motorsiklo, si Luis naman ang bumida sa social media sa pagliligtas nito sa isang pastor (na isa ring biker) na naaksidente rin sa daan.

Kumalat ang kabayanihan ni Luis nang mag-post sa Instagram si Jonas Bernales ng kanyang mensahe ng pasasalamat kay Luis dahil sa pagtulong sa kanya.

Ayon kay Jonas, “Got into a major accident riding my fixee down tempo drive, couldn’t remember a thing.

“I woke up in the hospital. Thank you to none other than @luckymanzano who came to my rescue and became the good samaritan. May God bless you a hundred-fold. #howcanirepay let’s meet up,” sabi pa ng pastor sa kanyang IG post.

Sumagot naman sa comments section si Luis ng, “You are welcome sir, of course Doc @Martinjosef was the perfect blessing that night. God bless you with quick recovery. Just say a simple prayer for me Sir then we are even.”

Pinuri rin ng isang kaibigan ni Pastor Bernales si Luis at nagpasalamat sa ginawa nitong kabayanihan, anito, “@luckymanzano thanks for being the good samaritan and stopping to help a stranger. God bless you back a hundred fold.”

Pati ang anak ng pastor na si Jas Bernales ay todo pasalamat sa TV host-actor, “@luckymanzano hello sir. thanks for helping my dad earlier. God bless you.” Sagot ni Luis, “Hope he is feeling better!”

May mga nagsabi naman na dapat ay tularan ng ibang celebrities ang kabayanihan nina Luis at Ian, na kahit mga sikat na ay talagang nag-effort para makatulong sa kanilang kapwa.

Marami ring Noranians at Vilmanians ang natuwa dahil mga anak ng kanilang mga idolo ang bumibida ngayon sa mga pampa-good vibes na balita.

Read more...