Erap kay Grace: Natatakot akong multuhin ni FPJ!

GRACE POE AT JOSEPH ESTRADA

GRACE POE AT JOSEPH ESTRADA

PORMAL nang inendorso nitong Lunes ni ex-President at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kandidatura ni Sen. Grace Poe na anak ng kaniyang yumaong BFF na si Da King Fernando Poe, Jr.

“Ang akin at marahil magiging kandidato n’yo rin bilang pangulo ay isang mabuti at

mapapagkatiwalaang tao….tulad ng kanyang ama, siya’y mahal ko rin at bahagi ng aking buhay,” sey ni Erap nang ipakilala ang inaanak sa mga tagasuporta sa kaniyang proclamation rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Nagpasalamat naman si Grace sa kanyang Ninong Erap at biniro pa ito tungkol sa posibleng rason bakit siya pinili ng alkalde ng Maynila bilang pambato na maging pangulo ng bansa.

“Ninong, kaya mo ba ako inendorso ay dahil natatakot kang multuhin ka?” pabirong tanong ni Grace kay Erap.

“Kasi yan ang palagi niyang sinasabi sa akin eh, ‘Baka pag hindi kita inendorso ay multuhin ako ng best friend ko,’” dagdag pa ng senadora sa gitna ng mga hiyawan ng mga tagasuporta ng alkalde ng Maynila.

Si Grace ay tumatakbong pangulo sa ilalim ng Partido Galing at Puso kasama ang runningmate niyang si Sen. Chiz Escudero.

Read more...