DEAR Aksyon Line,
Ako po si Manuel L. Ocaba, 63, taga-Polomolok, South Cotabato. Tumatanggap ako ng P9,500 na buwanang pension mula sa SSS matapos akong magretiro sa Dole Philippines. May dalawa akong anak na umaasa sa akin. Sumulat ako sa inyo ukol sa adjustment ng aking pension. Idinulog ko na po ito sa SSS Koronadal City branch noong September 10, 2012. Sabi ng isang empleyado ng SSS ay 2015 matatapos ang manual verification para sa adjustment pero hanggang ngayon ay hindi pa kami nabibigyan ng adjustment. Kaya humihingi ako ng tulong sa inyo na maidulog ang aking hinanaing sa main branch ng SSS upang mapabilis po ang kanilang proseso.
Maraming salamat po. Godbless and more power!
Yours truly,
Manuel L. Ocaba
REPLY: Nais po naming ipaalam kay G. Ocaba na tama po ang sinabi ng aming branch sa Koronadal ukol sa proseso ng pension adjustment. Nagsagawa ng manual verification ng contributions ng mga pensioners noong nakaraang taon at natapos ito noong Disyembre 2015. Sa ngayon ay isinasagawa na ang posting ng mga contributions na ito. Matatapos ang posting ng contributions ngayong buwan.
Matapos po ang posting ng contributions ay saka pa lang po makakapag-evaluate ng mga claims ang SSS para malaman kung sinu-sino sa mga pensionado ang makakatanggap ng adjustment sa kanilang pensyon. Nais lang po naming linawin na hindi lahat ng pensionado ng SSS ay makakatanggap ng adjustment. Ang adjustment ay depende kung magkakaroon ng pagbabago sa credited years of service, average monthly salary credit, o pareho, matapos ang posting ng contributions.
Hinihiling po namin kay G. Ocaba na maghintay pa nang konting panahon para sa adjustment ng kanyang pension.
Ayon po sa aming records, si G. Ocaba ay nakapaghulog sa SSS ng total na 431 buwanang kontribusyon na nagkakahalaga ng P309,821.40. Nag-umpisa siyang tumanggap ng pensyon mula sa SSS noong February 2013; at matapos ang 39 buwan ng pagiging pensiyonado, nakatanggap na siya ng kabuuang P489,156.68 pension mula sa SSS.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G. Ocaba. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL
FRANCISCO
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs
Department
Noted:
MA LUISA P SEBASTIAN
Department Manager III