Enchong nakipaghiwalay na sa foreigner na dyowa

SAMANTHA LEWIS AT ENCHONG DEE

SAMANTHA LEWIS AT ENCHONG DEE

BREAK na raw sina baby Enchong Dee at ang non-showbiz foreigner girlfriend niya. Remember that mestiza girl na sabi’y GF daw ng guwapo nating baby na nagngangalang Samantha Lewis? Wala na raw sila, ayon sa kuwento ng common friend namin.

Ang unang tanong ko sa common friend namin ay “naging sila ba talaga?” Honestly, parang hindi kasi ako naniwala noon eh. Sensiya na ha, I can’t contain lang my feelings – I really doubted on them before pero pikit-mata ko na lang tinanggap echos para naman mag-enjoy sa mileage ang baby Enchong natin for once in his life, di ba?

Kasi mas iba ang alam ko about baby Enchong more than the girl-issue na ito. I mean, yung issue sa mestiza girl, not the malicious girl-issue on your mind. Ano ba kayo? Iniintriga ninyo ang baby boy namin. Hmp!

So, kung wala na sila, sino ang dini-date ni Enchong now? Yung taga-Pampanga ba na balitang matagal na niyang dyowa or yung mga nakakasama niya sa mga bar when he goes night outing? Sino ba, mga Ineng?

Ibulong niyo naman sa akin o. Naaaliw lang kasi ako pag ang baby Enchong na ang topic eh. Bait kasing bata kaya love na love ko iyan. Promise!

Read more...