Bea nagrerebelde raw…kung kani-kaninong lalaki nali-link

PAULO AVELINO AT BEA ALONZO

PAULO AVELINO AT BEA ALONZO

SA pagkakilala ko kay Bea Alonzo, she is a very sweet and charming lady. And in fairness to her, hindi siya tulad ng ibang female stars natin na mahilig magpakakontrobersiyal. Quiet lang siya – diretso lang ang takbo ng karera and well-taken cared of ng Star Magic.

Hindi siya yung tipong confrontational – hindi siya mahilig magpasikat, wala lang. She’s naturally nice.

Pero recently ay nalagay sa hotseat ang beautiful actress nating ito. Lalo na nung makipag-break kay Zanjoe Marudo, kung anu-anong mga tsismis ang ikinakabit sa kaniyang pangalan. Marami ang nagbubulung-bulungan that she was seen with John Lloyd Cruz sa isang isla, meaning, may relasyon daw ang dalawa.

Pareho kasi silang loveless sa kasalukuyan because nataon ding nag-break sina Lloydie at Angelica Panganiban. Kaya nag one plus one ang ating mga netizens sa kanilang mga nakikita, natutunghayan at anumang nababalitaan.

To this day ay quiet pa rin si Bea. Walang denial or confirmation about her and John Lloyd. Hinayaan lang nilang pagpistahan sila ng mga fans and media – basta quiet lang ang peg niya. Ganoon lang si Bea.

Ang latest on her ay ang sightings na naman daw ng netizens on her and Paulo Avelino na nag-check in daw sa St. Regis Hotel sa Singapore. Siyempre, bago na naman ang balitang ito, at bagong guy na naman. After Zanjoe, lumabas ang name ni John Lloyd at ngayon naman si Paulo.

“Baka nagrerebelde si Bea sa buhay. Iyan ang manifestations ng isang babaeng nagwawala ang kalooban, they become wilder. Baka ganoon din si Bea ngayon, what do you think?” tanong sa akin ng isang colleague.

Oh no! Teka lang naman muna, huwag naman agad bigyan ng malisya ang diumano’y pag-check-in nina Bea and Paulo sa Singapore. Balita ko kasi ay meron silang project nina Enchong Dee na tini-tape sa Singapore. Baka totoo ngang nag-check-in sila pero magkaiba naman ng rooms. Kasi nga, may work sila sa Singapore.

Natural lang na magkasabay siguro sila sa counter na nagtsi-check-in dahil magkasama silang dumating sa said country, di ba? Iyon ang mas malinaw na basa ko dahil unang-una, wala namang tsismis on Bea and Paulo before. Tsaka parang magkapatid na ang mga iyan sa Star Magic.

“Marami silang parang magkapatid sa Star Magic pero anong nagyayari? Sila-sila ang nagsyosyotaan.

Baka sumimple nga ang dalawa kasi pareho naman silang single and chill-chill lang ang peg. Ewan ko ba sa Star Magic, parang kinukunsinti nila ang kanilang mga artists,” sabi ng isang kapitbahay namin.

No comment. Ayokong mag-comment. Huwag na! Ayokooooooooo!

Basta ako, hindi ako naniniwalang may something between Bea and Zanjoe – ay mali! Bea and Lloydie pala! Ay sorry ulit, nalilito na ako. I mean, wala akong nakikitang something between Bea and Paulo. Sa dami kasi ng boys nagugulo na tuloy ang isip ko.

Hindi kaya ako ang idol ni Bea? Kasi para sa akin, the more men the merrier, eh. Ha-hahaha! Joke lang.

Read more...