Maternity benefit 6 buwan nang nakabinbin

MAGANDANG araw po, nais ko pong humingi ng tulong sa inyo regarding po sa SSS Maternity ko na maglilimang buwan na po ngayon ay hindi ko pa rin nakukuha. Noong nakaraang taon pa po ako nakapanganak, September 10, 2015. Nakakalungkot po dahil 5 months lang po yung baby ko at “premature” kaya hindi po siya naka-survive. Nabuhay lang lang po sya ng ilang minuto tapos namatay na.

Ibinigay ko po lahat ng mga requirements na kailangan nila pati na fetal death nung bata, kasi di naman po nabuhay ng 24 hours yung baby ko kaya wala po siyang birth certificate. Ilang beses na pong bumalik ang papel ko. Nawa’y matulungan ninyo ako sa aking sitwasyon.

Salamat po.

Jene Brucal

REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail hinggil sa katanungan ni B. Baby Jene Brucal ukol sa
kanyang maternity claim.

Ayon sa SSS Carmona Branch, ipinadala ang kanyang maternity claim sa SSS Biñan Branch noong Marso 1, 2016 upang sumailalim sa medical evaluation. Kukumpirmahin ng aming doktor sa SSS Biñan Branch ang confinement period.

Nais po naming ipaalala kay B. Brucal na bilang isang employed member dapat ay nag-advance na ang kanyang employer ng materntiy benefit payment. Ayon sa Social Security Law, dapat ay ipinapauna ng employer ang maternity benefit sa kanyang empleyado.

Ang employer naman ay magsusumite sa SSS ng maternity reimbursement kung kaya’t ang employer ang aming babayaran. Di katulad ng dati na ipanapadala ang tseke ng SSS para sa maternity benefit payout, ngayon ay idinedeposit na namin ito sa bank account ng employer.

Ang maternity reimbursement ay naisusumite ng employer sa SSS matapos itong pirmahan ng member na nagpapatunay na natanggap na niya ang in advance na maternity benefit ng employer.

Sana ay nasagot namin ang kanyang katanungan.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...