Talagang hindi pa rin niya matanggap na ang pelikulang ito nina Ai Ai, Kris Aquino at Vice Ganda ang nag-top grosser sa nakaraang MMFF 2012.
“Hindi naman siya nakakatawa talaga.
Kung hindi nga lang dahil kay Ai Ai, walang kuwenta ang pelikula. Siya ang nag-save sa movie.
Hindi naman nakakatawa ang mga pinaggagawa ni Kris!
Tawa lang nang tawa, walang kakuwenta-kuwenta!
Si Vice naman, puro kayabangan!
Nakakairita nga kapag mga eksena na nila ang napapanood ko!” iritang-iritang sabi ng maldita naming friend.
Dagdag pa niya, “Kasi si Ai Ai, pang-film festival talaga ang kalidad niya.Sa totoo lang, kahit siya lang ang naging bida sa ‘Sisterakas’, tatabo pa rin ‘yan sa takilya dahil subok na ang pagiging box-office queen niya.”Hindi na po ako magko-comment about this, ha, dahil hindi ko talaga napanood ang pelikulang ito, magiging bias naman ako kapag nagsalita ako tapos hindi ko naman na-watch, di ba?
Unfair naman ‘yun.
Pero base nga sa mga kaibigan kong nakasilip sa mga sinehan, bilang na bilang nila sa daliri kung ilang beses silang tumawa, ang natatandaan pa nila ay ang mga eksena nina Ai Ai at Daniel Matsunaga.
Masyado raw kasing forcing through ang pagko-comedy ni Kris, OA na OA naman daw ang kayabangan ni Vice kaya naasar lang sila while watching.