KRIS: Ayoko ko kasing maging pabigat si JOSH kay BIMBY kapag nawala na ako!

krisjoshbimbyTodo kayod pa rin, tuloy ang pag-iipon para sa panganay

BALAK nang mag-retire sa showbiz ni Kris Aquino.

Mga tatlo hanggang limang taon daw mula ngayon, ay pwede na niyang pag-isipan ang mag-quit sa showbiz.

Sa chikahan ng ilang entertainment press with Kris sa presscon ng seryeng Kailangan Ko’y Ikaw na mapapanood sa simula sa Jan. 21 sa Primetime Bida ng ABS-CBN, sinabi ni Tetay na sisiguruhin muna niyang secured na ang future ng dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby kapag nagdesisyon siyang tumigil na sa pag-aartista.

Napag-usapan ang kontrata niya sa ABS na mag-e-expire na sa January, 2014, ibig sabihin isang taon na lang ang commitment niya as network, “Mga October pa namin pag-uusapan kung may bagong contract or anything, kasi di ba, 90 days before expiration, saka lang pagmimitingan ang renewal.

So, hindi ko pa talaga alam kung ano ang mangyayari pag nag-expire na.”Ano ba ang gusto niyang direksiyon ng kanyang career kapag natapos na ang kontrata niya sa Dos? “

Ako ano lang, forever kong sinasabi ito sa kanilang lahat, the one thing that my mom said to me when I’m signing that 5-year contract with ABS, wala pa siyang sakit noon, she said na, ‘Krissy I will always pray that you would go while you are still on top.

“Itinanim ko sa utak ko na mag-iipon talaga ako nang husto para secure ang future ng mga anak ko, and I’ll try my very best to not overstay.

So, kung anuman ang mangyari kapag nag-expire na ang contract ko, hindi ko talaga alam, pero sana, I’ll have three to five more years, and after that, sana enough na ‘yung na-save ko.

“And not for Bimby talaga, kasi alam ko naman na kaya niyang alagaan ang sarili niya in the future, but really for Josh, so I just want to make sure na secure na secure ‘yung future niya na hindi siya magiging burden kay Bimb, pag dumating ‘yung time na wala na ako rito.

So, ‘yun lang talaga, wala na para sa sarili ko.

Kasi feeling ko, sobra-sobra na ang ibinigay ni God sa akin, ano pa ba ang hihilingin ko?

So, sabi ko, OA na humingi pa ako ng more,” litanya pa ni Kris.

Tungkol naman sa plano niyang pagpasok sa politika one day, “Again iko-quote ko ang mom ko, sinabi niya ang politika raw is a matter of destiny, so hindi ko alam kung papasok din ako.

Pero I have to make sure before I even entered politics, na kaya kong maging simple and honestly now, hindi ko pa kaya. True naman, di ba?

“Kung kaya ko nang magpakasimple, kasi di ba, ‘yung income na lang ng president, less than P90,000 a month ‘yun.

So parang, ‘Ha! ‘Yun na!’ At siyempre, ayoko namang sirain ang pangalan namin.

Kaya kailangang mag-ipon ako at magpundar before I consider that.

So, ‘yung 2016, hindi ko pa talaga alam,” paliwanag pa ng 2012 Box-Office Queen.

Masyado siyang kalmado ngayon, walang naririnig na nega sa buhay niya, hindi na rin niya pinapatulan ang mga bashers niya sa mga social networking sites, ano ang driving force niya na maging cool lang, “Kasi walang stress sa bahay, walang conflict, pag-uwi mo, puro love, love, love lang.

Kalmado lang kaya hindi mo na maiisip to make patol.

Tsaka kapag nasa bahay na ako, masaya na akong kasama ang mga anak ko.”

Read more...