PORMAL nang nagsimula ang kampanyahan para sa nalalapit na national at local elections, kaniya-kaniya nang pangakuan ang mga pulitikong tumatakbo.Some make true their promises pero mas marami pa rin ang mastered na ang art of promises.
Gayunpaman, panoorin na lang natin ang bawat isa sa kanila at dapat nating tandaan ang mga binitiwan nilang mga salita at pangako at pag nakaupo na sila’t hindi nila tinupad ang mga ito, isupalpal natin sa mga mukha nila.
Ha-hahaha! As if naman may powers tayo to do so. Well, let’s see. The other day ay napadpad ako sa ka-Maynilaan. Sinamahan ko kasi ang baby nating si Michael Pangilinan as one of the guest artists sa proclamation ni President/Mayor Joseph Estrada sa Liwasang Bonifacio (sa harap ng Post Office ng Manila).
Bago kami nakarating doon, medyo ma-traffic na sa Quiapo kung saan naman pumuwesto ang grupo ni dating mayor Alfredo Lim who is running against Mayor Erap.Nakakalula lang ang dami ng tao sa proclamation rally for Erap compared to ex-mayor Lim – more or less 40,000 ang tao sa partido ni Erap while Lim’s was more or less mga 2,000 lang.
Pagbaba pa lang namin ng tulay ng Quiapo ay malilibang ka sa mga nagsasayawang citizens in their orange shirts for Erap. Very festive ang mood and very peaceful, sobra. Very organized ang affair and almost everyone was in sight.
I bumped into some of my long-lost friends doon, for a long, long time ay nagkita kami ng bunsong anak ni Mayor Erap kay Dra. Loi Ejercito na si Jude Estrada who has always been so dear to me. Pumayat nang konti si Jude at lalong gumuwapo.
Nandoon din siyempre ang super-guwapong anak naman ni Erap kay Laarni Enriquez na si Jake Ejercito na pinagkaguluhan ng mga tao dala ng popularity nito as the third wheel sa AlDub tandem ng Eat Bulaga.
I also saw the very beautiful Jerica na anak din ni Ms. Laarni. Nandoon din si kaibigang Precy Vitug Ejercito na asawa ni Sen. Jinggoy. What flattered me was the warm welcome sa amin ni Michael ng mahal nating si Tito Jessie Ejercito na sobrang laki ng kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Tirso Cruz III did a song number. Kumanta rin si April Boy Regino who seemed to look better na these days. Sana tuloy-tuloy na ang paggaling niya. Ang saya ng hosting nina Ruby Rodriguez and Jose Manalo, talagang nag-enjoy ang mga tao sa pagdala nina Jose and Ruby ng event.
Dumating si Sen. Bongbong Marcos na sobrang love ng audience (pati ako, sobrang love ko iyang si Bongbong). Narinig ko ring nag-speech si senatoriable Isko Moreno na nakaka-proud dahil sa galing sa pananalita and is also a man of action – in due to fairness to him.
Sayang at di ko inabot si Sen. Grace Poe who’s running for presidency dahil umalis kami agad ni Michael dahil may radio show pa ako sa DZMM. Kahit hindi ako maka-Grace Poe, love ko ang batang iyan dahil na rin sa kaniyang showbiz affiliation.
Just being at Erap’s rally, para mo na ring napuntahan ang mga rallies ng iba. Pare-pareho lang naman iyan eh, isa lang naman ang mga sinasabi nila sa taumbayan pero in fairness nga lang kay Erap, tinutupad niya ang kaniyang pinapangako.
Kasi nga, secured na siya and settled and ang gusto lang talaga niya ang ay magsilbi. Ano pa ba ang dapat niyang patunayan? He has proven his worth already as a good leader, kung nadapa man siya minsan, bumangon siya at inayos ang lahat ng constituents natin sa ka-Maynilaan.
Sobrang bait ni Erap sa mga tao pero pag salbahe ka, may paglalagyan ka talaga sa kaniya.
Hindi siya nagpapatumpik-tumpik, maririnig mo ang pinaka-kinatatakutan mong marinig pag salbahe ka. Meaning, he is very trasparent. Grabe!
Marami ang nagulat kay Michael Pangilinan dahil right before matapos ang first song niya, inihagis niya sa audience ang mahal niyang jacket. Akala namin nagbibiro siya nang hubarin niya ang kanyang black leather jacket at binalunbon. Iyon pala totoong inihagis niya para sa kung sinumang masuwerteng nakasalo.
“Hindi ko naman araw-araw ginagawa iyon. Kaya oks lang. Bibili na lang ako ng bago. Nagamit ko na naman iyon dati, eh. Ang sarap kasing mamigay pag sobrang warm ang audience. Parang di ka manghihinayang. “Kaya inihagis ko kasi may mga sumisigaw sa audience na type daw nila ang jacket.
Kaya hayun, congrats sa nakasalo. Favorite jacket ko yata iyon. Ha-hahaha!” ani Michael na hanggang sa meeting de avance ni Erap nilang makakasama at mapapanood. Hindi ka lang pala pang-concert anak, pang-kampanya ka pa. Marami ang bumilib sa performance mo. Kaya ipagdasal mong every month may eleksiyon. Ha-hahaha! Baliw-baliwan lang ang peg, di ba?