Enzo Pineda swerte ngayong 2016, maraming trabaho

ENZO PINEDA

ENZO PINEDA

VERY busy si Enzo Pineda this year. Bukod sa taping ng kanyang teleserye sa GMA 7 na Because Of You nina Carla Abellana at Gabby Concepcion, may two indie movies din siya na pinagkakaabalahan, ang “Hermano Pule” na isang period film at “Bar Boy” na tungkol naman sa buhay ng law students.

Kahit busy sa kanyang schedules, lubos ang pasasalamat ni Enzo dahil sa kanya ipinagkatiwala ang projects na ito. Masaya rin siya dahil extended ang Because Of You at nagustuhan ng TV viewers ang kwento ng primetime series.

Looking forward siya tuwing taping at feeling niya hindi siya nagtatrabaho dahil masaya ang atmosphere sa set at magaan katrabaho ang kanyang co-stars.

Read more...