Kampo ni Poe sinabing mga miyembro ng LP mag-oober da bakod na

Grace-Poe-11-660x453
SINABI ng kampo ni Sen. Grace Poe na kabilang ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa mga mag-oober da bakod at susuporta sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 9.
“Meron ng mga leaders from other parties na lumapit sa amin. Kung ano man ang plano nila mas mabuti na manggaling sa kanila,” sinabi ng campaign manager ni Poe na si Cebu Representative Joseph Ace Durano.
Idinagdag ni Durano na hindi lamang ang mga taga-LP ang inaasahang lilipat sa partido ni Poe.
“Not only LP but also from other camps. We will see in the coming weeks,” dagdag ni Durano.
Samantala, hindi naman kinumpirma ni Durano na isa si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga mag-eendorso kay Poe.
“Meron e-endorse si Mayor Erap. Let’s just wait for his announcement,” ayon pa kay Durano.

Read more...