Video ng look-alike ni VP Jejomar Binay sa Indonesia nag-viral

binay
NAG-VIRAL ang video at mga litrato ng isang look-alike ni Vice President Jejomar Binay sa Indonesia.
Nakilala ng isang grupo ng mga Pinoy na turista ang driver ng taxi na ayon sa kanila ay kamukha ni Binay.
Pinost ni Cess Barcenas ang video kung saan kinakanta nila ang campaign jingle ng bise presidente na “Only Binay.”
Sa kanyang post sa Facebook, gumawa pa ng kwento si Barcenas na nagbago na ng isip si Binay sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa Mayo habang ipinost ang litrato ng driver ng taxi.
Nagpaunlak pa ang look-alike ni Binay na mag-‘laban sign.’
Umabot na sa 436 likes ang post ni Barcenas sa Facebook, samantalang umabot na ang video sa mahigit 4,521 shares at 4,557 likes.

Read more...