Chynna Ortaleza di na maitago ang pagbubuntis
KITANG-kita na ang paglaki ng tiyan ni Chynna Ortaleza sa isang photo na ipinost ng kanyang asawang si Kean Cipriano sa Instagram kung saan kasama ang ilan nilang kapamilya.
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring magkuwento ng Callalily vocalist tungkol sa pagbubuntis ng kanyang misis. Ilang beses nang nakiusap si Kean sa press na ibalato na lang muna sa kanila ang kanilang personal life.
Ayon sa kumalat na chika, girl daw ang magiging first baby ng mag-asawa kaya naman bumaha ng pagbati mula sa followers ng dalawa sa kanilang social media accounts. Ngunit sa kabila nito, ayaw pa ring magkuwento ng mag-asawa tungkol sa pagiging future parents nila.
Pero in fairness, feeling namin, swerte nga talaga sila sa isa’t isa dahil natagpuan na nila ang kanilang forever. Kaya congatulations na lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.