Hamon kay Kathryn ngayong 20 na: Dapat mas maging palaban! | Bandera

Hamon kay Kathryn ngayong 20 na: Dapat mas maging palaban!

Ervin Santiago - March 28, 2016 - 02:00 AM

kathryn bernardo

NAG-CELEBRATE na ng kanyang 20th birthday ang Kapamilya young actress na si Kathryn Bernardo. Kung natuloy ang unang plano ni Kathryn, isang simple at private birthday party lang ang naganap na dinaluhan ng kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan, at siyempre ng kanyang rumored boyfriend ang screen partner na si Daniel Padilla.

Ngayong 20 years old na ang Kapamilya actress, i-naasahan ng kanyang fans na mas magiging palaban na ang dalaga sa mga gagawin niyang proyekto. May mga nagsasabi rin na it’s about time for her to do daring and mature roles na ikasa-shock ng publiko.

Ine-expect din ng mga televiewers na gagawa na rin ng mga proyekto sina Daniel at Kathryn kung saan maipakikita nila sa madlang pipol ang kanilang versatility as actors. Sey naman ng ilang KathNiel supporters dapat daw mabigyan ang dalawa ng isang teleserye na mas matindi kesa sa Pangako Sa ‘Yo.

Sa pelikula, nangako si Kathryn na ang next big screen project nila ni Daniel ay ibang-iba sa past films nila. Sey nga ng dalaga, “Itotodo na namin ni DJ dito. Kailangang abangan nila iyan. Alam namin na hindi magiging madali ito pero gagawin namin lahat para mabigyan ng justice ang roles namin.”

Sa April na magsisimula ang shooting ng movie ng KathNiel na ididirek ng box-office director na si Cathy Garcia Molina.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending