Carla sinulit ang Holy Week vacation ka-bonding ang pamilya

carla abellana

SINULIT ni Carla Abellana ang ilang araw na pahinga nitong nagdaang Holy Week para makasama at makapag-bonding with her family.

Nagpunta sila sa kanilang resthouse sa Villa Cara sa Tagaytay. Very important sa Kapuso actress ang magkaroon siya ng panahon na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay bago muling magbalik-trabaho next week para sa tapings ng kanyang mga programa sa Kapuso Network kabilang na ang Because of You, Ismol Family, Del Monte Kitchenomics at Karelasyon.

At para sa mga adik na adik sa kilig serye ng GMA sa primetime, ito ngang Because Of You ng tambalang GabCarl nina Gabby Concepcion at Carla, narito ang mga dapat n’yong abangan tonight.
Inabot ng ulan sina Andrea and Oliver kaya napi-litang tumuloy muna sa isang maliit na lodging house.

Tumawag si Andrea kay Alex telling her the situation. Shocked sina Jaime and Conrado kung bakit nasa lodging house sina Andrea at Oliver, selos na selos si Jaime. Nakatapis lang ng towel si Oliver dahil nagpatuyo ng damit nang pagbuksan nito ang selos na selos na si Jaime.

Jaime confronted Oliver. Ang sagot naman ni Oliver, wala naman daw masama kung magkasama sila ni Andrea dito sa motel. Pareho silang single. At nagsinungaling pa si Oliver kay Jaime by telling him na nagkabalikan na raw sila ni Andrea.

Umalis si Jaime sa motel na tinutuluyan nina Andrea at Oliver, believing na talagang nagkabalikan na ang dalawa. Naniwala siya sa si-nabi ni Oliver. Inilihim naman ni Oliver kay Andrea na dumating si Jaime at pinaniwala niya ito na kaya sila magkasama ni Andrea sa motel ay dahil nagkabalikan na sila.

Hindi matuluy-tuloy ang pagtawag nina Andrea at Jaime sa isa’t isa. Ayaw nang sirain ni Andrea ang kaligayahan ni Jaime sa mga anak. At gusto na rin ni Jaime na mag-move on na si Andrea dahil nga puro na lang hirap at sama ng loob ang napala nito sa kanilang relasyon.

Dahil nakita ni Cheska ang kalungkutan ng ama, silang magkapatid ay bumuo ng Operation: Make Daddy Smile. Binigyan nila ng surprise party si Jaime, ang suot na t-shirts ng mga bata ay may mga tatak na “I LOVE YOU DADDY.”

May pagkain din silang hinanda. Kasama sa pag-organize ng surprise party na ito sina Feliza, Malou at Iska. Masaya si Jaime sa efforts ng mga anak pero nagbalik pa rin ang kalungkutan dahil wala na sila ni Andrea.

Read more...