KINUKUMPIRMA pa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant Industry (BPI) ang ulat na sinira ng China ang tinatayang 35 tonelada ng saging na inangkat nito mula sa Pilipinas.
Sa isang panayam, si-nabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio Coloma na batay naman sa ulat ni Trade Secretary Adrian Cristobal, kumpiyansa pa rin ang mga banana exporter na hindi ito makaaapekto sa kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at China.
“The reported quantity, 35 metric tons, is too small as it is equivalent to only two containers or around 2,700 boxes with value estimated at FOB 1.4 million pesos only. This quantity is too small in terms of the overall Philippines-China trade relations,” sabi ni Coloma.
Idinagdag niya na a-yon pa sa ulat ni Cristobal, hindi nakapasa ang sinirang mga saging sa i-pinapatupad na inspeksyon ng China.
“The quantity is not unusual in as far as rejections are concerned in the normal course of business. It is also possible that the shipment was rejected due to levels of pesticides exceeding maximum residue limit or MRL,” dagdag pa ni Coloma.
Saging ng Pinoy sinira ng China
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...