Nambiktima kay Nadine nag-sorry na pero ‘binugbog’ pa rin
Gusto sanang isama ni James Reid sa skydiving si Nadine Lustre kaya lang ay meron palang crophobia or fear of heights ang dalaga. “Sasama lang siya sa plane. We’ll see. I might give her a push,” say ni James sa radio interview niya sa Dubai.
Say naman ni Nadine, okay lang ‘yon since makakapag-date naman sila dahil binigyan sila ng isang araw to explore the cities of Dubai at meron pa silang chance na ma-explore ang London after their performance.
Ang daming nanood sa concert ng dalawa, talagang pinagkaguluhan sila ng Pinoy fans. Sikat na sikat din sila sa abroad, mostly OFWs ang kanilang fans na sumugod talaga sa kanilang concert. Anyway, nakapag-tour naman ang dalawa at narating nila ang pinakamataas na skycrapper, ang Burj Khalifa.
Incidentally, hindi na kailangang sagutin ni Nadine ang act of rudeness issue sa kanya na lumabas sa isang web portal na sikat. One fan alleged that Nadine was rude to them nang mag-request sila ng picture with the actress.
Nag-gatecrash daw ang mga ito sa rehearsal ng concert nina James at Nadine sa abroad pero pinayagan na rin naman daw silang magpa-picture sa dalawa. Sumigaw raw ng “teka lang” si Nadine kaya nabastusan ang dalawang fans.
Apparently, it was all a test to the JaDine fans. Gawa-gawa lang daw ang story at ang mismong nag-post niyon ay nag-sorry na. “Actually nag sorry na ang tao na nag post niyan sabi ba naman tinetest lang kung gaano ka tibay ang Jadine fandom.
And alam ng lahat na walang nag gate crash that time. “So hindi po totoo to dahil nagsalita na mismo ang ng post at na report na din siya. I was there at the concert and everyone could attest kung gaano kabait and thankful si Nadine sa mga pumunta doon,” one fan reacted.
“Masyado ang expectations ng mga tao na mas importante pa sila. You were not even supposed to be there in the first place. E sa nagtatrabaho yung Tao and you were a distraction. Hindi namam meet & greet yun. Kahit ba fan ka pa. Respeto naman sa space nung tao.
“Tapos mabilis pa sa alas kwatro post ka agad-agad na masama ugali nung tao? Dinefine mo na yung buong pagkatao ni Nadine?!?! Huwaw! Ikaw na ang pinakaimportante sa buong mundo. Sige, ijustify niyo pa ang mga false sense of entitlement ninyo sa buhay ng mga ‘iniidolo’ ninyo.
“Mga fans and non-fans na mahilig mag distract sa work time, private time ng mga artista, matuto rin kayong lumugar sa tama at huwag mag-expect na kayo ang pinaka importante–kahit pa no. 1 fan kayo, umayos naman kayo,” tili naman ng isa pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.