Kampo ni Duterte sinabing hinarass ang kanilang mga taga-suporta sa Camiguin

Rodrigo-duterte
INAKUSAHAN ng kampo ni Davao City Mayor ang Liberal Party (LP) ng panghaharass matapos ang nakatakdang rali sa Mambajao, Camiguin.
Sinabi ni Peter Laviña, spokesperson at pinuno ng media team ni Duterte na nakumpirma nila ang ulat na nakaranas ng iba’t-ibang klase ng panghaharass ang mga sumusuporta sa mayor sa Camiguin.
“Vehicles with Duterte stickers and posters were forced to the back of the line at the pier in Balingoan (in Misamis Oriental). The electrical connection at the Mambajao Freedom Park was cut, and homes nearby have been warned not to allow connection to the Duterte team,” sabi ni Laviña.
Idinagdag ni Laviña na ang mga lokal na opisyal na kaalyado ng LP, ang nasa likod ng panghaharass.
“The sound system was also pulled out even though organizers had already paid for it. The owners were reportedly told they would not be allowed to do business in Camiguin if they do not comply. A sound system had to be rented from Cagayan de Oro City,” dagdag ni Laviña.
Tahasang inakusahan ni Laviña ang mga Romualdo na nasa likod ng operasyon.

Ang mayor ng Mambajao ay si Ma. Luisa Romualdo, na misis ni Camiguin Gov. Jurdin Jesus Romualdo. Anak naman nila si Camiguin Rep. Xavier Jesus.
Pawang mga miyembro ng LP ang mga Romualdos.
“The LGU is making it hard for us to hold a rally. But more than that, it is making it hard for the people of the beautiful island of Camiguin who want real change,” sabi pa ni Laviña.

Read more...