Pia umamin na sa tunay na relasyon nila ni Doc Mike

pia doc mike

Sa wakas, umamin na rin si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach na may “something” na ngang namamagitan sa kanila ng tinaguriang Sexiest Doctor Alive na si Doc Mike.

Ito’y matapos ngang magsalita ang New York-based physician na si Mikhail Varshavski o Doc Mike tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng Pinay beauty queen. Sinabi nito na dine-date na niya si Pia at excited siya kung hanggang saan makakarating ang panliligaw niya sa dalaga.

Sa panayam naman ni Mario Lopez ng Hollywood entertainment show na Extra, kay Pia, kung saan nakasama rin si Miss USA 2015 Olivia Jordan, tinanong ang dalawang beauty queen tungkol sa kanilang lovelife.

At dito nga sinabi ni Pia na, “I’m dating.” Bago ito, nag-post kamakailan ang reigning Miss Universe sa kanyang official Facebook account ng status na “in a relationship” kaya mas naniniwala ang ilang netizens na more than “dating” na ang nangyayari sa kanila ni Doc Mike.

Mas lalo pang naintriga ang relasyon ni Pia sa doktor nang kumalat ang picture nila together habang nakahiga sa isang kama.

Read more...