Pang-iisnab daw ni Nadine sa isang fan pakana ng ‘kalaban’

nadine lustre

Nakaka-touch naman ang fans and supporters ng JaDine loveteam. Talagang tinawag nila akong “Minister of Defense” dahil sa ilang beses kong pagtatanggol kina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang bashers. Ha-hahaha!

Siyempre ganu’n naman talaga kung sinusuportahan mo ang isang artista, di ba? Kahit sino namang sobra na kung apihin o i-bash lalo pa’t malayo naman sa katotohanan ang mga ibinabatong isyu, to the rescue siyempre tayo.

Ang latest na ipinupukol ngayon kay Nadine ay ang diumano’y pang-iisnab nito sa isang fan? Hello, as if may bago sa mga ganitong kuwento noh! Ilang mga kilalang artista na rin naman ang ginawan nila ng ganyan kaya’t kumbaga sa pagkain, panis na ang ganyang putahe. Ha-hahaha!

Dinagsa ang Doha, Qatar concert ng JaDine at hindi nga magsisinungaling ang mga litrato at mga video na ipinadala sa amin. Siyempre wiz na namin ito ikukumpara sa diumano’y “flop” na show doon ng isa pang kilalang tandem. Ha-hahaha!

Basta sa susunod nilang concert sa Europe ay magaganap na nga ang exclusive date na pina-arrange nila sa Italy or sa Paris. Siguradong babalitaan tayo ng mga ating mga kapwa-OTWOLista sa mga susunod na kaganapan.

Read more...