Louise nakipag-away sa bastos na AlDub fan: Duwag ka pala, e!

louise delos reyes

HINDI na nakapagpigil si Louise delos Reyes at sinagot ang bashers niya sa social media. Louise was bashed all because she partied recently at nagkataong naroroon si Alden Richards. Birthday ng common friend nila kaya sila nandu’n at nakikipagkasiyahan.

Meron yatang photo na kumalat sa social media which showed Alden and Louise together kaya nag-beastmode ang AlDub fans. Hinarap ni Louise sa social media ang isang basher na sa katarantahan ay bigla yatang ginawang private ang kanyang Twitter account. Ayun, pinagsabihan siyang duwag ni Louise.

Oo nga naman. Kung maka-bash ka ganoon na lang pero takot ka naman palang supalpalin.
Pinatutsadahan din ni Louise ang mga magulang ng basher at sinabing mag-aral na ang dapat ang nam-bash sa kanya para matuto ng good manners and right conduct.

Say pa niya, hindi porke’t may sinusuportahang artista ang bashers ay hawak na nila ang pagkatao ng kanilang iniidolo. Oo nga naman. Bilang finale, sinabi ni Louise na pinaniniwala ng bashers ang sarili nila sa kanilang ilusyon.

Dapat daw marunong tumanggap ang mga ito ng realidad. May tama ka, Louise!!! Isa pang nakatikim ng bagsik ng galit ng AlDub fans itong komedyanteng si Ai Ai Something. After posting a video on her Instagram account na sinasabing kuha ni Alden as reported in one web portal ay fuming mad ang AlDub fans.

Hinala kasi nila, may double meaning ang reaction ni Ai Ai sa video. Apparently, the tamang hinala AlDub fans were thinking na inirereto ni Ai Ai si Alden kay Julie Anne San Jose. Ayun, bash na katakot-takot ang inabot ng palaos na komedyante sa kamay ng AlDub fans.

She was called names. May isa pang nagsabi na magsama dapat sina Ai Ai at Julie Anne dahil pareho silang “mangga”. Ang say pa ng isang basher, baka ang feeling ni Ai Ai ay long-lost daughter niya si Julie Anne dahil pareho silang mahaba ang baba. How cruel this fan, ‘no?

Apparently, nagngingitngit ang AlDub fans dahil binibiro raw ni Ai Ai si Alden kay Julie Anne. Eh, ano naman kung binibiro ni Ai Ai si Alden? So, ang gusto pala ng Aldub fans ay gumalaw at magsalita si Ai Ai nang naaayon sa kagustuhan nila?

Gusto pala nilang gawing robot ang mga tao para magaganda lang ang sabihin kay Alden. Ang hirap kasi sa AlDub fans na ito, masyadong diktador at tamang hinala.

Read more...