Pito katao ang nasugatan nang bumaligtad ang sinakyan nilang owner-type jeep sa Tuba, Benguet, kamakalawa (Lunes).
Labindalawa ang sakay ng jeep, pero pito lang ang nagtamo ng pinsala at dinala sa Baguio General Hospital, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali sa Upper Palina, Brgy. Taloy Sur.
Minamaneho noon ni Wilfredo Rullan, mekaniko ng isang auto repair shop sa Baguio, ang jeep (DJC-669) patungong La Union.
Lumabas sa imbestigasyon na inunahan ni Rullan ang isang trak at napansin na may kasalubong na sasakyan kaya nagmaniobra pabalik sa kanyang lane, pero nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa tumaob ang jeep.
READ NEXT
PNoy inatasan si Abaya na paigtingin ang seguridad sa mga paliparin matapos ang pambobomba sa Brussels
MOST READ
LATEST STORIES