PATAY ang dalawa pasahero, samantalang sugatan naman ang 11 iba pa nang mahulog ang isang pampasaherong bus sa isang bangin sa Barangay Tangohay, Dimiao, tinatayang 41 kilometro ang layo sa Tagbilaran, Bohol.
Sinisi ng mga pasahero ang driver ng bus na si Armand Morales, 30, na nakatulog nang mangyari ang aksidente ganap na alas-4:12 ng umaga, ayon sa pulisya.
Sinabi ni PO2 Rex Gundaya, Dimiao police investigator na papunta ang Southern Star Bus (AAW2191) sa Ubay, Bohol sakay ang 15 pasahero, kasama ang dalawang bata.
Idinagdag ni Gundata na biglang huminto ang bus apat na metro ang layo sa tulay, bago ito mahulog sa bangin na tinatayang tatlong metro ang lalim.
Nagpaikot-ikot ang bus at bumagsak sa palayan, ayon pa kay Gundaya.
Sinabi ni Gundaya patay ang dalawang lalaking pasahero, bagamat hindi pa pinangalanan ang mga ito.
Tumalon mula sa loob ng bus ang isa sa dalawang nasawi sa pagnanais na iligtas ang sarili ngunit natamaan ng likuran ng bus na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Namatay naman ang isa pang biktima habang ginagamot sa isang ospital sa Tagbilaran.
2 patay, 11 sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa Bohol
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...