Bongbong sinabing isang tadhana ang pagkapangulo: ‘Sa tamang panahon’

ferdinand-bongbong-marcos-jr
SINABI ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naniniwala siya na isang tadhana ang maging pangulo ng bansa.

“Sa aking palagay, ang pagkapangulo, ‘yan ay destiny. Tapat ang aking paniniwala, at sa aking pag-iisip, pag-aaral at pagdarasal para humingi ng gabay, palagay ko destiny has other plans for me this elections,” sabi ni Marcos sa kauna-unahang Issues Forum ng Radyo Inquirer sa Olongapo City.

Naungusan na ni Marcos si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pagka bise presidente sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, bagamat “statistically tied” pa rin sila.

“Palagay ko ang pagtakbo sa pagkapangulo ay sasagutin ko na lamang sa tamang panahon,” dagdag ni Marcos.

Naunang nagpahayag ng pagkadismaya ang nanay ni Marcos na si dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos dahil pagka-bise presidente lamang ang tinatakbuhan ng anak.

Sinabi pa ni Marcos na ang pagtaas ng kanyang rating ay dahil na rin sa pagsang-ayon sa kanya ng publiko sa kanyang panawagan na pagkakaisa.

Read more...