Tabla na: Poe-Duterte, Bongbong-Escudero

duterte-poe
Maituturing ng tabla ang mga presidential candidate na sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ayon sa Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABS-CBN2.
Nakapagtala si Poe ng 26 porsyento sa survey na ginawa mula Marso 8 hanggang 13 o matapos ianunsyo ng Korte Suprema na kuwalipikado siyang tumakbo.
Si Poe ay bumaba mula sa 28 porsyento sa survey noong Marso 1-6.
Sumunod naman si Duterte na tumaas ng isang porsyento at nag yon ay 25 porsyento na.
Ang survey ay may 4,000 respondents at may error of margin na 1.5 porsyento.
Nagpasalamat naman si Poe sa mga taong nananatiling sumusuporta sa kanya. “We owe it to them for making their voices heard on their choice for the next president. With about a month and a half remaining in the campaign period, there will be no letup in our efforts to get to the people to explain what Gobyernong May Puso can do for them.”
Sinabi naman ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na inaasahan nila ang patuloy na pagtaas ng rating ni Duterte.
“The momentum is favoring Mayor Duterte and we expect the numbers to go higher, especially after his performance in the presidential debate,” ani Nograles.
Pumangatlo naman si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 22 porsyento mula sa 21 porsyento at nanatili sa 20 porsyento ang standard bearer ng Daang Matuwid na si Mar Roxas.
Vice President
Naungusan naman ni Sen. Bongbong Marcos ang kalaban sa pagkapangalawang pangulo na si Sen. Francis Escudero.
Si Marcos ay nakakuha ng 25 porsyento at si Escudero ay 24 porsyento.
Pumangatlo naman si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakakuha ng 20 porsyento at sinundan ni Sen. Alan Peter Cayetano (13), Sen. Antonio Trillanes (6) at Sen. Gringo Honasan (5).
Senatorial Race
Nanguna naman sa senatorial race sina Sen. Tito Sotto III (51.4 porsyento), Senate President Franklin Drilon (49.4), dating Sen. Kiko Pangilinan (45.7), dating Sen. Panfilo Lacson (44.9), dating Sen. Migz Zubiri (37.4), Sen. Sergio Osmena (35.3), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (34.9), Sen. Ralph Recto (34.2), dating Justice Sec. Leila de Lima (33.3), dating Sen. Dick Gordon (32.7), Sarangani Rep. Manny Pacquiao (32.6), Valenzuela Rep. Win Gatchalian (29.8), dating TESDA chief Joel Villanueva (29.7), Sen. TG Guingona (25.3), Leyte Rep. Martin Romualdez (21), dating MMDA chair Francis Tolentino (21), Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso (20.1), Mark Lapid (19), Edu Manzano (16.7) at dating DOE Sec. Carlos Petiole (9.5).

Read more...