KUNG walang naging problema, kahapon natuloy ang pinakahihintay na date nina James Reid at Nadine Lustre sa Dubai.
Binigyan ng ilang araw na bakasyon ang magdyowa matapos ang kanilang matagumpay na “JaDine In Love” tour sa Doha at Dubai noong March 18 and 19.
Sa panayam kina James at Nadine sa isang Filipino radio station sa Dubai, sinabi ni Nadine na pinagbigyan sila ng kanilang mga handler na makapaglibot doon at ma-enjoy ang ilang tourist spots sa Dubai.
“Dito po sa Dubai, gagala muna po kami. Pero kasi po today (Sunday), marami po kaming bibisitahin today. Pero tomorrow (Monday), ayun na po,” anang dalaga.
Sey naman ni James, “Finally, makakapag-date na kami! Back in Manila, sobrang busy kami. We were working every day so we don’t really have time (na makapag-date).”
Binisita ng magdyowa ang Burj Khalifa, ito ang tinaguriang world’s tallest skyscraper. At kung natuloy ang plano, nakapag-skydiving din si James. Sabi nito sa nakaraang interview, “Sasama lang siya (Nadine) sa plane. We’ll see. I might give her a push!”
Siyempre, todo-todo ang pasasalamat ng dalawa sa ibinigay na suporta ng mga Pinoy sa Doha at Dubai sa kanilang concert doon, “It’s been really fun seeing all the fans here in UAE. It’s such a warm welcome and we are so happy to see everyone,” ani James sa isang panayam.
Hirit naman ni Nadine, “We didn’t expect it. Ang daming tao kahapon, punong puno. Medyo matagal na rin po kasi ‘yung last namin (na concert), nu’ng Feb. 20 pa. So parang ito, kailangan namin mag-refresh ng steps and yung lyrics ng songs, kailangan namin mag-refresh ulit. Dahil sa crowd po, nawawala yung tension at pressure so ang sarap sarap po mag-perform.”
Nakatakda namang mag-concert ang JaDine sa London sa March 26, at Milan sa March 27.