Dr. Mike umaming nililigawan si Pia Wurtzbach

DR. MIKE AT PIA WURTZBACH

DR. MIKE AT PIA WURTZBACH

FINALLY, umamin na ang tinaguriang “sexiest doctor alive” na nililigawan nga niya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Wala pa raw serious commitment sina Pia at Mikhail Varshavski or Dr. Mike, at ine-enjoy lang nila ang bawat moment kapag magkasama sila. Alam naman daw ng doktor na ang priority ngayon ni Pia ay ang kanyang duties bilang reigning Miss Universe.

“I am dating Pia. It’s a fairly new relationship but I’m really excited to see where it can go!” sey ng doktor sa isang interview.

Nagsimulang sundan ng mga netizen ang love story ng dalawa nang mag-post si Dr. Mike sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Pia ilang linggo na ang nakararaan.

Nilagyan niya ito ng caption na: “She says she wanted to be a doctor until she realized she’s deathly afraid of the sight of blood, so she decided to win #MissUniverse instead #touché#welldone#stoneheartday@piawurtzbach.”

Simula noon naging hot topic na ang dalawa sa social media lalo na nang lumabas ang isang picture kung saan tila magkatabi sila sa isang kama. Bukod pa ito sa mga litrato nila together sa isang gym kung saan sabay silang nagwo-workout.

Sa huling Facebook chat ni Pia hindi niya inamin o itinanggi kung nililigawan na ba siya ng doktor, aniya magsasalita siya tungkol dito sa tamang panahon.

Sey pa ng Pinay beauty queen sa tanong kung may boyfriend na siya, “No. There’s no specific someone in my life. This is the specific someone. This is the priority,” sabay turo sa kanyang Miss Universe sash.

Read more...