KC Concepcion sa laiterang basher: Miserable ka and i’m sorry for you!

KC CONCEPCION

KC CONCEPCION

NAUBOS na ang pasensya ni KC Concepcion sa mga bastos at laiterang bashers sa social media kaya talagang pinatulan na niya ito nang bonggang-bongga!

Sa kanyang Instagram account idinaan ng singer-actress-TV host ang kanyang emosyon laban sa mga netizen na walang ginawa kundi ang mag-post ng mga walang kuwentang mensahe na puro paninira at pang-ookray sa kanya at ilang mga kaibigan.

Narito ang kabuuan ng IG post ni KC: “Here’s to protecting what makes you happy and keeping the positive vibes all the time.

“To all bashers, I hope you don’t regret choosing to live your lives ridiculing and insulting others.
“I don’t see how that will put a smile on your face when you’re on your death bed. I wish you love and real happiness! And something good to keep you BUSY!”

Ilang minuto lang ang lumipas, sandamakmak na ang nagkomento sa post ni KC, karamihan dito ay nakisimpatya sa kanya. Sabi ng isa niyang follower, “Tama lang Ms.KC na sumagot ka dahil lumalala na ang paninira sayo pati family mo dinadamay na. Its just right to defend yourself from these rotten eggs.”

Kahit ang kaibigan ni KC na si Luis Manzano ay um-agree sa ipinost ng aktres and said, “Everyone is an expert on social media.”

Ngunit kung may kumampi sa anak ni Megastar Sharon Cuneta meron pa ring hindi nagpatalo at talagang itinuloy ang pamba-bash kay KC. May ilan pa ngang nagsabi na matanda na siya kaya mag-asawa na tutal naman daw wala na siyang career sa showbiz.

Sey ng mataray na netizen, “Kahit na talaga bingot pwede na sa yo matanda ka na eh kaya OK na ganon mukha.”

May ilan pang followers si KC na idinamay pa ang kanyang mga kaibigan, layuan niya raw ang ilan sa mga ito dahil bad influence sa kanya at ang iba naman ay malas sa career niya.

Ito marahil ang pinanggalingan ng IG post niyang, “How can you be bashing my friends and at the same time saying you’re concerned. You think it makes me happy? It hurts me. You’re miserable and I am sorry for you.”

Read more...