SC nagdeklara ng half day sa Holy Wednesday

29sereno-e1446089186880
NAGDEKLARA na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng half day sa Miyerkules sa lahat ng korte sa buong bansa, kasama na ang Sandiganbayan at Court of Tax Appeals (CTA) bilang paggunita sa Mahal Na Araw.

Sinuspinde na rin ni Sereno ang pasok sa lahat ng korte sa Maynila, kasama na ang Korte Suprema, Court of Appeals at Manila Trial Courts simula alas-12 ng tanghali sa Holy Wednesday.

Niliwanag naman ni Sereno na bukas pa rin ang mga tanggapan ng Korte Suprema simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Miyerkules.

Read more...