One Cebu kumalas na kay Binay; lilipat kay Poe

Jejomar C. Binay
Nakikipag-usap ang kampo ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe sa 1-Cebu na kumalas na kay Vice President Jejomar Binay.
Sinabi ni Cebu Rep. Ace Durano, campaign manager ng Partido Galing at Puso, na mayroong mga ‘informal talk’ ang kanilang kampo kay Cebu Rep. Benhur Salimbangon na miyembro ng 1 Cebu.
“We are now working to get their support. Right now, informal talks have been initiated,” ani Durano. “ “I had informal discussions with Cong. Benhur Salimbangon who is very a influential leader of the One Cebu Party.”
Kay Salimbangon umano nalaman ni Durano ang pagkadismaya ng 1 Cebu kay Binay, na nauna na nitong inendorso.
Nabatid na nagiikot si Binay sa Cebu ng wala man lamang pasabi sa 1 Cebu kaya nadismaya ang mga ito.
“We are very hopeful that the One Cebu Party will support our candidates and this is another boost for us,” dagdag pa ni Durano.
Ang Cebu ay mayroong 2.7 milyong rehistradong botante at ang mga political party rito ay mayroong malawak na network.
Sa Cebu sinasabing nakakuha si dating Pangulong Gloria Arroyo kaya nanalo ito laban kay Fernando Poe Jr., noong 2004.

Read more...