Alaska pipiliting makisalo sa itaas

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Alaska vs Mahindra
7 p.m. Tropang TNT vs Rain or Shine

MAKISALO sa itaas ng team standings ang hangad ng Alaska Aces sa pagharap sa Mahindra Enforcers sa kanilang 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup elimination round game ngayong alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa ikalawang laro na gaganapin dakong alas-7 ng gabi, tatangkain ng Rain or Shine Elasto Painters na mahablot ang ikaapat na diretsong panalo sa pagsagupa sa Tropang TNT Tropang Texters.

Ang Aces (5-2) ay magmumula sa 116-96 pagkatalo buhat sa San Miguel Beermen.

Sasandigan ni Alaska coach Alex Compton sina Shane Edwards, Calvin Abueva, Vic Manuel, Sonny Thoss, RJ Jazul, Chris Banchero at Cyrus Baguio para makabawi ang Aces.

Ang Mahindra (3-4) ay manggagaling naman sa tatlong sunod na pagkatalo buhat sa Barangay Ginebra Kings (104-86), Phoenix Petroleum Fuel Masters (114-99) at Rain or Shine (103-98).

Aasahan ni Enforcers deputy mentor Chito Victolero sina Augustus Gilchrist, Niño Canaleta, LA Revilla, Aldrech Ramos at Karl Dehesa.

Ang Elasto Painters (4-3) ay magbubuhat sa pagwawagi kontra NLEX Road Warriors (121-94), San Miguel Beer (108-105) at Mahindra (103-98) at magtatangka silang mapalawig ito para makuha ang ikalimang panalo.

Sasandalan ni Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao sina Mo Charlo, JR Quiñahan, Jericho Cruz, Jeffrei Chan at Maverick Ahanmisi para muling magwagi.

Read more...