Karla binuhay ang mga anak gamit ang boses; pangarap maka-duet si Daniel | Bandera

Karla binuhay ang mga anak gamit ang boses; pangarap maka-duet si Daniel

Ambet Nabus - March 21, 2016 - 02:00 AM

DANIEL AT KARLA 0129

 

NGAYONG Holy Week ay susubukan ni Queen Mother Karla Estrada na lumangoy nang wagas hindi lang para masabayan ang summer heat at makipag-bonding sa mga anak niya, kundi para na rin maikundisyon ang kanyang boses.

“Hindi na kasi biro ito. Concert na ang pinag-uusapan at hindi yung basta kakanta lang ng isa o dalawa. Kailangan ko ito for my breathing technique at palakas-baga,” tumatawang tsika ni Karla sa presscon ng kanyang first major concert titled “Her Highness: Queen Mother In Concert”.

Although sa April 30 pa magaganap ang kauna-unahang concert ni Karla after her more than two decades in the industry, kailangan daw niya itong paghandaan nang bonggang-bongga.

Puhunan ni Karla ang pagkanta at never niya itong ikinahiya lalo pa’t malaking bagay ito sa pagbuhay niya sa kanyang mga anak. Naalala pa nga namin noon na madalas din naming bigyan ng raket si Karla sa mga pini-PR naming clubs.

And yes, na-witness nga namin kung paano niyang naalagaan ang kanyang boses kaya naman kahit 2016 na at marami ng ibang uso, keri pa rin ni Karla ang makisabay sa mga baguhan.Kaya sa darating na April 30 sa KIA Theater sa Cubao, asahan nating babandera ang talento ni Karla sa pagkanta at pakikipag-okrayan sa mga bisita niya, kasama na ang mga anak niya na hopefully daw ay maka-duet o maka-trio niya on stage.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending