Binay at Poe nagkainitan

debate-duterte-poe-roxas
NAGKAINITAN sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe sa ikalawang debate ng mga tumatakbo sa pagkapangulo na ginanap sa University of the Philippines (UP) Cebu matapos namang magpalitan ng isyu sa isa’t-isa.
Kinuwestiyon ni Binay ang isyu ng citizenship ni Poe, samantalang binakbakan naman ng huli ang una sa isyu ng korupsyon.
“Hindi ka tunay na Pilipino. Umalis ka, ikinahiya mo ang pagiging Pilipino,” banat ni Binay kay Poe.
Sinagot naman ito ni Poe sa pagsasabing hindi naman siya nangulimbat.
“Wala yan sa kulay. Nandito ka nga sa bansa pero nangulimbat ka naman ng pera,” sagot ni Binay.
Rumesbak naman si Binay kay Poe sa kanyang naging pahayag.
“Kung makabintang ka kala mo nahatulan na ako,” giit na man ni Binay.
Sa pagbubukas ng debate, tinanong ang apat na kandidato kaugnay ng Freedom of Information Bill (FOI) bill kung saan sinabi ni Binay na sakaling manalo siya maglalabas agad siya ng executive order (EO) para ito ipatupad.
Sinagot naman siya ni Davao City Mayor Duterte sa pagsasabing kung handa siyang pumirma ng waiver para masuri ang kanilang yaman.
Tinangka namang maglabas ni Binay ng dokumento kung saan sinita siya ng anchor ng TV5 na si Luchi Cruz Valdez na bawal maglabas ng kodiko, na ayon sa kanya ang siyang naging dahilan kaya nabalam ang pagsisimula ng debate.
Samantala, hinamon muli ni Duterte si Binay kung handa siyang umurong sa pagkapangulo sakaling makasuhan siya kaugnay ng mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanya.
Kinontra naman siya ni Binay sa pagsasabing walang rason para siya umurong sa kanyang kandidatura.
Sinagot naman ito ni Duterte sa pagsasabing dahil malaki na ang nagastos ni Binay kayat hindi na siya makaka-atras.
Sa harap naman ng palitan ng maaanghang na salita ng tatlong kandidato, tahimik namang nakikinig ng pambato ng Liberal Party (LP) na si Mar Roxas.

Read more...