Isang 35-anyos na babae ang natagpuang walang buhay ng kanyang mister sa kanilang bahay sa Quezon City.
Nakita ang misis sa kanilang bahay sa Barangay Commonwealth ng kanyang mister, at agad na dinala sa East Avenue Medical Center subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.
Ayon sa mister, umuwi siya ala-1 ng umaga. Matagal na umano siyang kumakatok pero hindi siya pinagbuksan kaya gumawa na siya ng paraan.
Pagpasok niya sa loob ay nadiskubre niya ang bangkay ng biktima na nakasabit sa kisame.
MOST READ
LATEST STORIES