Lotto walang bola; LRT, MRT walang biyahe

lotto for site
Apat na araw walang bola ng lotto ngayong linggo.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang bola ng lotto sa Huwebes Santo (Marso 24) hanggang Linggo ng Pagkabuhay (Marso 27).
Magbabalik ang bola sa susunod na Lunes (Marso 28).
Sinabi ni Rojas na ang pagkansela sa bola at bilang pagrespeto sa pagpapakasakit ni Hesus at bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng PCSO na magtika.
Ipinaalala naman ng Light Rail Transit Line 1 na walang biyahe ang kanilang mga tren sa mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay. Balik ang operasyon sa Marso 28 alas-5 ng umaga.
Wala ring biyahe ang LRT Line 2 sa ganitong panahon. Sa Miyerkules ay pina-ikli naman ang biyahe ng kanilang mga tren. Ang biyahe mula Santolan patungong Recto ay alas-5 ng umaga hanggang 8 ng gabi.
Ang biyahe naman pabalik ay mula 5 ng umaga hanggang 8:30 ng gabi.
Normal naman ang operasyon ng MRT 3 sa Miyerkules o mula 4:30 ng umaga hanggang 10 ng gabi. Wala ring biyahe ang MRT 3 mula Huwebes hanggang Linggo.

Read more...