‘Bp’ ni Kris biglang tumataas sa umaga; 6 buwan magpapagaling

kris aquino

NAKATSIKAHAN namin ang common friend namin ni Kris Aquino, humingi kami ng update tungkol sa mga kaganapan ngayon sa buhay ng Queen of All Media.

Kuwento nito, paalis na ngayong araw ang TV host kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, ang yaya at ang personal assistant ni Kris dahil nga medyo matagal silang mawawala sa bansa.

Kuwento ng aming kausap, “Dapat two to three months straight rest, walang ibang gagawin para umayos ang kundisyon niya (Kris). “Ang nangyayari kasi, before she sleeps, normal ang BP (blood pressure) niya, paggising niya, that’s the time mag-start mag-shoot up, so saan nanggagaling? Stress na kasi kaagad si Kris dahil iniisip na niya ang gagawin niya for the day.

“Hindi rin naman kasi biro ang mag-taping ng Kris TV for seven episodes at ang init-init pa, lalo na nakaharap sa ‘yo ang mga ilaw na malalakas ang voltage. Tapos mostly nasa outdoor pa, so hindi madali ang mag-taping kaya doon nagsisimula ang stress ni Kris,” sabi sa amin.

Ilang buwan mawawala si Kris sa bansa? “Sabi ng doktor niya, two hanggang threw months straight, depende pa yun, puwedeng abutin ng six months kaya walang kasiguraduhan, pero definitely, babalik siya,” sabi sa amin.

Tinanong din namin kung nag-renew na ng kontrata si Kris sa ABS-CBN, “There are still talks, pag-uusapan yan pagbalik ni Kris kasi depende pa nga sa magiging sitwasyon, nagsabi naman ang ABS di ba na they are willing to wait for Kris?

“Na kay Kris ‘yun kung kaya na niya uling mag-work, that’s the time na pag-uusapan nila ang kontrata and definitely new show, I guess,” sagot ng friend namin. Ipinagpapasalamat daw ni Kris na binanggit din naman niya sa post niya sa Instagram na hindi siya iniwan ng advertisers, “Oo, walang umalis sa lahat ng advertisers, suportado nila si Kris.”

Maski naman kasi ninenega ng iba si Kris Aquino ay effective endorser pa rin siya kaya bakit nga naman makikinig ang advertisers sa bashers ng Queen of All Media kung nakakapag-deliver naman siya.

Ganu’n na ngayon, di ba bossing Ervin, kesehodang nega ka kung nakaka-deliver ka, bakit kailangang tanggalin? Lalo na si Kris, milyones ang ibinabalik niyang kita sa mga produktong ineendorso niya maski na mahal din siyang maningil ng talent fee.

Anyway, goodluck sa much needed rest ni Kris at sana umayos na ang pakiramdam niya.

Read more...