Grace Poe kilig na kilig kay Gabby: Teenage crush ko siya!

gabby concepcion

Kumalat sa social media kahapon ang throwback picture nina Gabby Concepcion at Sen. Grace Poe. Ito’y matapos ihayag ng Kapuso actor ang kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Grace sa darating na presidential elections.

Sabi ni Gabby, matagal na niyang kaibigan si Grace at naniniwala siya sa kakayahan nitong mamuno sa bansa. Sinuportahan din daw niya ang anak ninaDa King Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces noong tumakbo ito sa Senado.

Aniya, ang pagiging senadora ni Grace ay hindi sapat para makapaglingkod sa bayan kaya handa siyang humarap sa mga Pinoy para ikampanya ang kanyang kandidato. Noong Sabado, talagang sumama pa ang aktor sa campaign rally ni Grace sa Bacolod City at Negros.

Sa kanyang Instagram account, nag-post nga ang aktor ng throwback picture nila ni Sen. Grace na kuha noong 1981, nilagyan niya ito ng caption na: “GRACE POE is my personal friend. Mine is a personal choice. I have no political agenda.

She supported me back in the days. She has my support…anytime!” Kilig much naman ang senadora dahil mismong siya ang umamin na teenage crush niya ang 1980s matinee idol, “When we were teenagers, Gabby, Alfie Anido and Albert Martinez were the (stars) who were really cute!” sey ni Grace sa isang panayam.

Noon nga raw sumailalim siya sa tonsillectomy noong siya ay bata pa, dinala pa ni Da King si Gabby sa hospital para sorpresahin si Grace. “Noong ako’y Grade 5, nagkaroon ako ng tonsillectomy, or Grade 6 ba yun? Ang tatay ko takot na takot.

Kaya ang unang bisita ko si Gabby Concepcion,” natatawang kwento ni Grace. “Paggising ko ulit, nandoon naman si William Martinez,” sabi pa ng senadora habang pinupunto kung gaano siya ini-spoil ni Da King noong siya ay bata pa.

Read more...