8 oras na pelikula nina John Lloyd at Piolo dapat panoorin ng mga politiko

LAV DIAZ

LAV DIAZ

INAMIN ng award-winnning director na si Lav Diaz na wala sa isip niya na ang box-office stars na sina Piolo Pascual at John LLoyd Cruz ang magiging artista niya sa eight-hour epic film niya na “Hele Sa Hiwagang Hapis.”

Nagulat na lang si Direk Lav nang may magsabi sa kanya through his friend na gustong magpa-direk sa kanya ni John Lloyd. Kaya inalok niya kay Lloydie ang role sa “Hele” and then eventually, tinanggap din ni Piolo ang movie.

“It was magic,” sambit ni Direk Lav. “I just created the script naman and then when we started casting, naalala ko, ‘Ay, may usapan kami ni John Lloyd. Let’s offer this character to him.’ Binasa niya and he said okey. And then, when Piolo expressed his interest, binigay namin ‘yung script, gusto niya.”

Importante raw ang pagpasok nina Piolo at Lloydie sa “Hele Sa Hiwagang Hapis” dahil sa kanilang stature.

“They’re not just good actors. Ilalagay natin sa konteksto rin ang stature nila, now easily or maybe mahahatak natin ang bayan na panoorin ang bahagi ng kultura natin, ang kasaysayan natin. Huwag nating isipin na eight hours ito, e. Ang haba nag-struggle ng bayan natin, e. Siguro ‘yung eight hours isang minute, isang segundo lang ‘yan, e, oo,” pahayag ni Direk Lav.

‘Yung pagpasok daw nina Piolo at Lloydie, mapapadali ang paghikayat sa masa na panood ang “Hele.”
Kwento naman ni Direk Lav sa dalawang Kapamilya stars, cool na cool daw sila sa set. Nagkakape lang sila at nag-iihaw ng isda.

Ini-encourage ni Direk Lav na panoorin din ng mga politiko especially ng mga kandidato ngayon sa May elections ang “Hele” at ang pagbabasa ng nobela ni Jose Rizal na “El Filibusterismo.”

“El Fili is the greatest political module ever written in our culture. Kapag babasahin mo ‘yun, ang ganda-ganda ng political vision ng nobela na ‘yan. Sinabi ni Rizal kung paano magkaroon ng isang bayan. It’s about nationhood. How to be a leader? How to become a patriot? How to save this country?

How to be a nationalist? How to work for the future?” sabi ng direktor.

Ipalalabas ang “Hele Sa Hiwagang Hapis” on Black Saturday, Marso 26. Ngayon pa lang, laman na diskusyon ng iba’t ibang grupo ang tungkol sa pagpapalabas nito sa local theaters lalo na ‘yung mga tagapanood ng mainstream movies.

“Well, it’s new to them pero ah, kailangan kwan tayo, e, after 100 years na nabubugbog tayo ng isang oras kalahati, dalawang oras, ‘yung iba naman, it’s about time na i-push natin ‘to,” ani Direk Lav sa solo presscon niya na ginanap sa Star Cinema office recently.

Ayon pa kay Direk Lav, matatalino na raw ang movie audience ngayon, “They will embrace this thing especially it’s about us. Kapag na-engross ka naman sa cinema wala ng, wala na ‘yung time, e. Pagpasok mo sa unibersong ‘yan, e. it’s about that. The past becomes the presents in cinema. The future becomes the present. ‘Yun ‘yung magic ng cinema, e. ‘Yung time papasok sa reverse ulit.”

May mga nag-post pa sa social media, hinahanda na nila ang kumot at food na dadalhin nila sa sinehan sa panonood ng pelikula.

“Ha-hahaha! That’s part of the fun. But once they immersed on the film naman, e, wala na ‘yun. Hindi mo mararamdaman ‘yung haba. ‘Yun ang magic ng cinema, once mag-immerse ka na, you’re gone,” sabi pa ng direktor.

Read more...