LAGING mainit ang ulo ng isang kandidato sa pagka-mayor sa isang lungsod dito sa Metro Manila dahil iniwan na siya ng kanyang mga dating tagasuporta.
Bukod sa nawalan siya ng mga volunteers ay tumawid na rin ng bakod ang ilan sa kanyang mga dating financial contributors.
Crucial ang mga panahong ito dahil ilang araw na lang magsisimula na ang kampanya para sa mga tumatakbo sa local positions.
Sinabi ng ating Cricket na nakumbinsi ng isang Filipino-Chinese ang kanyang mga kaibigan na iatras na ang tulong para sa kanilang dating manok.
Nabisto kasi nila na nanghihingi rin ang kandidatong ito ng pondo sa kanilang kalabang grupo na binubuo din ng mga Chinoy na negostante.
Kumbaga sa kasabihan eh “lagareng-hapon” na doble ang talim nitong si Mr. Candidate dahil lahat ay hinihingan ng pondo para sa halalan.
Ayaw ng kanyang mga dating BFF ang ganitong istilo ni Mr. Politician dahil malas daw para sa kanila ang pagiging balimbing.
Kaya imbes na ibigay sa kanya ang pondo ay isusugal na lamang daw nila ito sa isang kongresista na tumatakbo ngayon bilang Mayor sa kanilang lungsod.
At least, sabi nga nila ay subok na ang loyalty ng bago nilang sinusuportahan dahil tinulungan na rin nila ito sa kanyang mga proyekto bilang isang mambabatas.
Duda rin ang grupo ng mga negosyanteng ito kung kakayanin pa ng kanilang dating
manok physically ang pangagampanya dahil marami na raw itong “aray” sa katawan dahil siya’y niluma na ng panahon.
Naniniwala rin ang grupo na kahit hindi tumakbo ang kanilang dating sisusuportahang kandidato ay marami na itong naitabing pera para sa kanyang pamilya dahil hustler daw ito kung kumubra dati sa mga kontratista.
Ang inabandonang kandidato ng kanyang mga dating kaalyado ay si Mr. A….as in Akong.