Ahron Villena inupakan ng bashers, pinaasa lang daw si Kakai

KAKAI BAUTISTA AT AHRON VILLENA

KAKAI BAUTISTA AT AHRON VILLENA

NA-BASH nang husto ang hunk actor na si Ahron Villena sa social media kahapon. Inakusahan ang binata na pinaasa at pinasakay lang daw ang komedyanang si Kakai Bautista.

Sa kanyang Instagram account, isang mahabang mensahe ang ipinost ni Ahron para kay Kakai na tinawag niyang “friend/best friend”, nagpasalamat ang aktor sa birthday surprise na ibinigay sa kanya ng komedyana.

“Hi Ms. Bautista. I just wanna say thank you for the birthday surprise you did and thank you for bringing my family and my close friends.

“I really appreciate what you did and I was really surprised that night. I’m really happy to have you as my friend/best friend kasi andiyan ka palagi for me. Pag may problema ako andiyan ka para makinig sa ‘kin,” ang mensahe ni Ahron.

Dagdag pa niya, “Alam kong madaming taong mali ang interpretation sa atin. Minsan ako masama, minsan ikaw. Basta ang mahalaga, alam nating best friends tayo. Yun ang importante.

“Thank you for everything. Mahal kita alam mo ‘yan bilang kaibgan mo at bilang best friend mo. Lagi mo tandaan na andito lang ako for you. Let’s just enjoy whatever we have now and be happy,” pahabol pa ng aktor.

Pero agad namang idinepensa ni Kakai ang binata sa kanyang IG account, “I hate it when people put pressure on people’s relationships even if they don’t know how it works.

“Pero ang alam ko lang, totoo kung ano mang meron tayo. Maganda ang nabuo nating friendship, masaya kung anong meron tayo! Dahil masarap maging best friend mo.

“Alam kong maraming hindi makakaintindi, pero ang importante, nagkakaintindihan tayo. Ang mag-best friends lang ang hindi nagbe-break. haha. Di ba nga?! Mahal kita. Wag kang ano. At di ko rin alam kung baket napakadrama mo ngayong araw.”

Read more...