Kris ginagamit sa 2 anak ang ‘pamana’ ni Cory

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

MAY language of love pala si Kris Aquino sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby – cooking.

Nakuha niya ito sa kanyang ina, si tita Cory Aquino.

“Nakabuntot ako sa mom ko (Cory) nung maliit ako so everytime she’d cook, nakatingin ako. So I think that’s why until now, that’s my language of love for my kids (Josh and Bimby).

“I really cook for them, kahit gaano kapagod, paguwi (I cook) right away,” caption ni Kris sa kanyang latest Instagram post kung saan ipinakita niyang nagluluto siya.

Halos every other day ang pagpo-post ni Kris ng mga kaganapan sa kanyang buhay. Talagang hindi niya mapigilan ang magbahagi ng kanyang kuwento sa kanyang followers.

Siguro ay nami-miss rin niya ang kanyang mga tagahanga dahil naka-leave siya sa showbiz ngayon.

Read more...