TV executive mawawalan na ng trabaho dahil sa mababang rating ng programa

blind item

HOW true, sobrang sama raw ng loob ng TV executive nang tanggalin sa kanya ang show na isa sa pino-produce niya dahil masyado raw malaki ang hinihinging budget dito. Kuwento sa amin ng aming source, “Over kasi ang budget na hinihingi niya (TV executive) sa management, kung baga triple kasi nu’ng i-compute naman ay wala pang isang milyon kaya sabi mismo ni _____ (bagong line producer), sa kanya na lang ibigay ang show at pumayag ang management.

“Kaya ang ending, hindi na siya ang may hawak ng show at ibinigay na kay _____ (bagong line producer) na mas maliit ang hininging budget at magaganda pa raw ang feedback ng viewers. “Kumpara kay _____ (TV executive) na sobrang taas kung mag-submit ng budget pero hindi rin naman kagandahan ang itinatalang numbers sa ratings game,” kuwento pa ng aming kausap.

Malapit na rin daw matsugi ang isa pang umeereng show ngayon ng TV executive dahil ito ang totoong malaki ang gastos dahil sa rami ng binbayarang staff at artista. At higit sa lahat, “Hindi pa rin nagri-rate hanggang ngayon,” sabi pa sa amin.

Read more...