SUPER nag-enjoy ang mag-BFF na sina Lovi Poe at Heart Evangelista nang sabay silang sumabak sa kampanya para sa tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.
In fairness, pamilya naman kasi talaga ang turingan ng mga Poe at Escudero dahil bukod sa mag-BFF ang dalawa, ay running mates sina Grace, na ate ni Lovi, at ang asawa ni Heart na si Chiz.
Kahit nga noong nabubuhay pa ang ama nina Lovi at Sen. Grace na si FPJ, at noong tumakbo ito bilang presidente noong 2004, ay talagang supporter na nito ang mister ni Heart at nagsilbi pa nga itong spokesperson ng yumaong si Da King.
Excited na excited talaga ang mag-best friends dahil ito ang first time ni Lovi na ma-e-experience ang sumama sa isang campaign sortie at happy sila na Ilocos Norte ang kanilang unang pupuntahan.
Si Heart naman ay ilang beses nang nakasama sa campaign at nag-solo pa nga sa Davao, Bacolod at Cebu. Talaga namang kanya-kanyang post ang dalawa ng photos sa kanilang Instagram account at proud na nag-selfie sa bawat lugar na kanilang puntahan.
Samantala, naging trending topic naman sa social media ang litrato nina Heart at Lobvi kasama si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos matapos nila itong ibinandera sa kani-kanilang Instagram accounts.
Nakakaloka naman talagang makita in one photo ang tatlo to think na magkalaban sa pulitika sina Sen. Chiz at ang brother ni Gov. Imee na si Bongbong Marcos. “Politics should not be bitter or acrimonious.
Took a pic with Imee Marcos before leaving for #Laoag to campaign #PoeEscudero2016. I’d like to think this world would be a better place if we can all do the same,” sey ni Heart sa kanyang IG post.
“Indeed the world would be a better place if we were all friendly and nice to each other. Took a photo with Ms. Imee. #PoeEscudero2016,” chika naman ni Lovi. Dapat naman talaga GV (good vibes) lang lagi sa kampanya at walang personalan.
Sabi nga ng isang follower ni Heart, napakagandang halimbawa ng ginawa nila ni Lovi nang magpakuha sila ng litrato kasama si Imee, napatunayan daw kasi nilang hindi dapat maging personal na bangayan ang halalan.