AKO po ay napilitang sumulat sa inyo para magpatulong sa na-file kong claim sa Pacific Life Plan.
Magdadalawang taon ay wala pa rin ang aking claim.
Pinaghirapan ko po na makabayad ng limang taon sa educational plan sa pag-asang makakatulong sa akin, ngunit tila walang aksyon na ibigay ang aking claim. Pina-terminate ko rin ang plan ko.
Umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong column ay maibibigay na ang aking claim.
Ito po ang plan number 70… Ang taunang ibinabayad ko ay P190,000.
Salamat at God Bless
Gumagalang
Absalon Apolinar Morales
Maligaya, Faumbayong
Sultan Kudarat,
Maguindanao
REPLY: Magandang araw po sa ating letter sender. Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Aksyon Line sa Pacific Life Plan at agad naming ipaparating sa inyo anuman ang magiging kasagutan ng naturang insurance company.
Salamat po
OWWA suportado ang Juana Agenda
Nakikiisa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa selebrasyo ng Women’s Month na may temang “Kapakanan ni Juana Isama sa Agenda.”
Kinikilala ang malaking gampanin ng mga kababaihan sa lipunan at ang pangangailangang maisama sila sa government’s development agenda.
Ilan sa mga aktibidad na inorganisa ng OWWA Gender And Development (GAD) Focal committee na pinamumunuan ni Director Carmelina Velasque ay ang mga sumusunod:
Kick-off activity at the OWWA Multi-purpose Hall,
Film showing featuring female OFWs ,
Posting of the official National Women’s Month Celebration Streamer,
Photo collage and exhibit at the OWWA lobby,
Special sessions and Fora on Gender and Women’s issues
Participation to the PCW Public event
Layunin nito na palakasin ang adbokasiya sa National Women’s month para sa mga OFWs at kanilang pamilya
Ang OWWA ay reflection ng “women in action” na kung saan ang DOLE bilang mother agency ay pinamumunuan ng isang babae sa katauhan ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz habang isa ding babae ang namumuno sa OWWA simula pa noong 2008
Binibigyang prayoridad ni OWWA administrator Rebecca Calzado ang pagbibigay katiyakan naipapatupad ang mandato ng OWWA para sa protektahan ang karapatan at itaguyod ang interes ng mga OFWs
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.