Derrick nakiusap sa ilang miyembro ng AlDub: Please, tama na po!

DERRICK MONASTERIO

DERRICK MONASTERIO

MUKHANG napapaso na si Derrick Monasterio sa ilang AlDub fans na feeling ay laging si Maine Mendoza ang laman ng kanyang puso at isipan.

When Derrick uploaded on Instagram a video of him singing “Delilah”, many assumed na ang Delilah ay si Maine. Based on the reactions of people, ini-insist nila na si Delilah ay si Maine.

“Guys FYI po Wala akong pinapatamaan sa posts ko so please stop!! I just love the songs im making a cover of , thats it! Be open minded!” sagot niya sa mga fans na nag-iisip na si Maine ang tinutukoy niya.

Aware na aware kasi si Derrick na maba-bash na naman siya. Alam niyang ayaw sa kanya ng AlDub fans at isang manggagamit ang turing sa kanya ng mga ito.

Hindi ba’t nagwala ang fans nina Maine at Alden Richards nang lumabas ang chikang nag-date noong Valentine’s Day sina Maine at Derrick sa Subic?

Labis ngang nabahala raw ang management nina Maine at Alden kaya kaagad silang nagpaandar na talagang lumalalim na ang relasyon ng magka-loveteam.

Hindi nga ba’t sunud-sunod ang acts of sweetness ng dalawa. Merong naglampungan sila sa Tagaytay. Merong nag-jetski sila sa Boracay. At merong naghalikan sila sa Eat Bulaga studio.

Lahat ng ‘yan ay paandar to make them more “palatable” sa kanilang fans. All were done to beef up interest because of their slowly waning popularity. Hindi na kasi click ang dalawa and their kalyeserye is suffering from lacklustre appeal.

Hindi nga ba’t naungusan na sila ng It’s Showtime at talagang pinag-uusapan sa social media ang Tawag ng Tanghalan portion nila.

Whether they accept it or not, whether they admit it or not, naungusan na sila ng It’s Showtime na nag-number one uli sa timeslot nito according to Kantar Media’s latest survey for the month of February.

Read more...